Joyce Balancio, ABS-CBN News
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na tugunan ang mga napapanood niyang reklamo ng mga Pilipino sa pamamahagi ng ayuda para sa mga apektado ng ipinairal na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
“Marami nagreklamo na ano . . . So ask your field offices to try to make the rounds and investigate if these allegations are true," ani Duterte.
"I don’t have any reason to doubt the mayors, lalo na iyong malalaki. Just the same para hindi tayo mapasama dito sa telebisyon, may hindi pinagbibigyan, piso lang, kung piso lang grabe na iyan."
Iginiit ng office-in-charge ng DILG na si Usec. Bernardo Florece na tanging ang bayan ng Calauan, Laguna, lang ang nagbigay ng ayuda in kind, at sa pag-monitor aniya ng kagawaran, wala naman umanong reklamo ang mga tao sa pamimigay ng ayuda.
Tila taliwas naman ito sa napapabalitang sitwasyon sa pamimigay ng ayuda sa ilang mga lugar.
Sinabi naman ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista na may mekanismo ring itinayo para tumanggap at tumugon sa mga reklamo ng mga benepisaryo ng ayuda.
Sa ulat niya, magmula nang mamigay ng ayuda noong April 6, nasa 8% pa lang ng target beneficiaries ang nahahatiran ng tulong hanggang April 12.
Katumbas ito ng 1,757,281 na mga indibidwal mula sa target na 22.9 million na benepisaryo.
No comments:
Post a Comment