Saturday, August 6, 2016

Kapayapaan


Ipinagkaloob ng diyos sa atin
Marilag at masaganang bayan
May halik ng amihan,may haplos ng habagat
May dalang alay ang lupa at dagat at
Mapaglaro ang araw at ulap

Ipinagkaloob ng diyos sa atin
Ang magiliw niyang pag-ibig at habag
Nilikha ang magulang,kababaya't,kaibigan
Bukod tangi ang abang kapatiran
Sa lahat ng sandali may karamay

Chorus:
Kapayapaan ating dasal para sa bayan
Nating mahal,yaman din lamang at minarapat nyang
Gawing isang tahanan ang puso at bayan natin maging
Daluyan nawa tayong lahat ng kapayapaan at liwanag ng 
Amang sambayanan

At sa kaila-ilaliman ng ating puso ay tibay sa harap
Ng pagsubok likas din sa ting diwa pasa diyos na pag-asa
Pananalig sa pag sikat ng araw,sa higit na matiwasay na bukas

Panalangin natin sa amang mapagmahal
Na manumbalik ang yaman ng loob,wakasan ang
Alitan,wakasan ang digmaan,simulang
Lunasan ang karalitaan,simulang tupdin ating sinumpaan

Kapayapaan ating dasal para sa bayan
Nating mahal,yaman din lamang at minarapat nyang
Gawing isang tahanan ang puso at bayan natin maging
Daluyan nawa tayong lahat ng kapayapaan at liwanag ng 
Amang sambayanan

Final Chorus:
Kapayapaan ating dasal para sa bayan
Nating mahal,yaman din lamang at minarapat nyang
Gawing isang tahanan ang puso at bayan natin maging
Daluyan nawa tayong lahat ng kapayapaan at liwanag ng 
Amang sambayan, ng kapayapaan at liwanag ng amang sambayanan