Natupok ng apoy ang nasa 20 bahay sa Barangay Cupang sa Muntinlupa.
Ayon sa mga residente, nagulat na lang sila at nagising sila sa malaking apoy pasado alas-dos ng madaling araw Sabado.
Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay na magkakadikit dikit.
Kanya-kanyang buhat ng mga gamit ang mga residente para maisalba ang mga ito. Nasa Manuel Quezon Street muna lumipat ang ilang residente, pero bumalik din ng kanilang mga tahanan matapos ang insidente.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog. Wala naman nasawi o nasaktan sa pangyayari. Inaalam na ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.
https://news.abs-cbn.com/news/02/27/21/residential-area-sa-muntinlupa-nasunog