Sunday, August 20, 2017

Mga awitin sa kasal

MAALAALA MO KAYA

Constancio de Guzman

Huwag mong sabihing ika’y hamak
Kahit na isang mahirap
Pagka’t ang tangi kong pag-ibig
Ganyan ang hinahanap

Aanhin ko ang kayamanan
Kung ang puso’y salawahan
Ang nais ko’y pag-ibig na tunay
At walang kamatayan

Maalaala mo kaya ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay sadyang di magmamaliw
Kung nais mong matanto, buksan ang aking puso
At tanging larawan mo ang doo’y nakatago

Di ka kaya magbago sa iyong pagmamahal
Hinding-hindi giliw ko hanggang sa libingan

O kay sarap mabuhay, lalo na’t may lambingan
Ligaya sa puso ko ay di na mapaparam

MINSAN LANG KITA IIBIGIN

Aaron Paul del Rosario
Album: Simple Lang

Mahal, pangako sa iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit Ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na 'di maglalaho
Ang pag-ibig ko'y alay sa'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan, ay magpakailanman.
Minsan lamang sa buhay ko
Ang 'sang katulad mo
Ako rin ba'y iniibig mo
Dinggin puso'y sumasamo
Sinusumpa sa'yo
Ikaw ang tanging dalangin ko. (*)
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan

Dahil ang minsan, ay magpakailanman.
Dahil ang minsan, ay magpakailanman.

MULA SA PUSO

Vehnee Saturno
Album: Problemang Puso

Bakit nga ba ang puso
Pag nagmamahal na
Ay sadyang nakapagtataka
Ang baawa't sandali
Lagi nang may ngiti
Dahil langit ang nadarama
Para bang ang lahat ay walang hangganan
Dahil sa tamis na nararanasan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan
Nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag
Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang
'Di ko papayagan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan
Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang
Aking paglalaban
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan
Nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag
Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang
Aking paglalaban
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

NGAYON AT KAILANMAN

George Canseco
Ngayon at kailanman
Sumpa ko’y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap ko ginhawa ka
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t’wina
Maaasahan mo t’wina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa ‘yo ng maitadhanang
Ako’y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa ‘king buhay

[refrain]
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa ‘yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di ‘na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo’y nagunaw na
Hanggang doon magwawakas pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

[repeat refrain]

Labis kitang mahal (ngayon at kailanman)
Langit may kasama ka (ngayon at kailanman)
Ngayon at kailanman

PANGAKO SA'YO

Rey Valera

Noon akala ko
Ang wagas na pag-ibig
Ay sa nobela lang
Matatagpuan
At para bang kay hirap
Na paniwalaan

Ii.

Ikaw, ikaw pala
Ang hinihintay kong pangarap
Ngayong kapiling ka
At tayo'y isa
Hindi ko hahayaan
Na sa atin ay may hahadlang

Chorus:

Pangako sa 'yo
Ipaglalaban ko
Sa hirap at ginhawa
Ang ating pag-ibig
Upang 'di magkalayo
Kailan man
'pagkat ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko...

Repeat ii:

Repeat chorus:

For better or for worst
For richer or for poorer
In sickness and in health
Till death do us part

Upang 'di magkalayo
Kailan man
'pagkat ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko...

Repeat chorus:

Oh, lalala