Thursday, February 18, 2021
Demolisyon ng mga bahay sa Las Piñas compund nauwi sa gulo
Nauwi sa tensiyon at gulo ang demolisyon sa Castillo Compound sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City, na pinangunahan mismo ng lokal na pamahalaan nitong Huwebes ng umaga.
Dumating ang demolition team ng Las Piñas LGU at gigibain na sana ang nasa 10 bahay na nakatirik sa lupang sinasabing pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.
Pero pumalag ang mga residente at tumangging ipagiba ang mga bahay nila. Nauwi sa batuhan ang insidente.
Ayon sa ilang residente roon, 6 na dekada silang nakatira roon at caretaker ang kanilang ama sa lupa na iyon.
May ilang walang nagawa nang gibain ang bahay pero may ilan na sinabing lalaban hanggang sa huli.
Meron din namang ilang pumayag na i-relocate pero may iba na sinabing doon pa rin titira sa bangketa.
Ayon sa LGU, may paglilipatan naman ang mga residente na sa loob din ng Las Piña.
Gagamitin daw ang lupa upang tayuan ng eskuwelahan.
Binigyan din ng cash assistance ang mga nawalan ng tirahan.
–Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
https://news.abs-cbn.com/news/02/18/21/demolisyon-ng-mga-bahay-sa-las-pias-compund-nauwi-sa-gulo
'Many' Metro Manila mayors want to ease restrictions gradually: Teodoro
Several Metro Manila mayors want to gradually ease the capital region's lockdown restriction, Marikina Mayor Marcelino Teodoro said Thursday.
Teodoro said the Metro Manila Council will form a consensus within the next 2 days to decide if the capital region should ease into modified general community quarantine, the lowest in a 4-step lockdown.
"Maraming (mayors ang) nagaalala at nagsasabi na kailangan maging maingat sa pagbubukas ng ekonomiya. Hindi ito kailangan biglaan kumbaga easy lang tayo, kailangan gradual at may consistent health protocols na magtitiyak na yung pagbaba ng kaso ng COVID-19 ay mapanatili," he told ABS-CBN's Teleradyo.
(Many mayors are concerned and say we should be careful in reopening the economy. We don't need to reopen suddenly, we need to do it gradually and with consistent health protocols that will ensure the decrease of COVID-19 cases will continue.)
"Kung anuman ang magiging pagpapasya (Whatever we will decide), we will defer to the wisdom of the IATF (Inter-Agency Task Force against COVID-19) and to the President."
Workers must be prioritized for COVID-19 vaccination and public transport should be expanded if the capital region will ease its lockdown restriction, Teodoro said.
"Kailangan yung mga ganitong support mechanism para matiyak na ligtas tayo sa COVID-19," he said.
(We need these support mechanisms to ensure we're safe from COVID-19.)
"Dapat balansehin ang economic concerns natin dun sa health concerns natin...tingnan 'yung capacity ng local government unit to enforce the guidelines na manggagaling sa IATF."
(We should balance our economic concerns with our health concerns...and look at the capacity of the local government unit to enforce the guidelines from the IATF.)
Teodoro earlier issued an executive order to suspend the reopening of cinemas and game arcades in the city despite national government approval as the pandemic persisted.
Kolektor ng lending company, na-holdap sa Iloilo
Isang kolektor ng lending company ang na-holdap sa Barangay Cabanga-an, Badiangan, Iloilo nitong Miyerkoles.
Nakilala ang biktima na si John Lloyd Relativo, kolektor ng ASA Philippines Foundation na isang lending company.
Ayon sa imbestigasyon ng Badiangan Police, bandang 11 ng umaga habang nangungulekta ang biktima sa Barangay Agusipan at papunta na sana sa kabilang barangay ng mapadaan sa Barangay Cabanga-an, nang bigla itong hinarang ng apat na lalaki na mga armado at pinababa sa sinasakyang motorsiklo.
Tinutukan ng baril ang biktima at hinila sa kakahuyang bahagi ng nasabing lugar at kinuha ang backpack nito na naglalaman ng koleksyon na nagkakahalaga ng P54,000 at personal na pera na nagkakahalaga ng P1,100.
Matapos makuha ang pera ay agad na tumakas ang mga suspek.
Sa hot pursuit operation ng kapulisan nahuli ang dalawa sa apat na mga suspek.
Positibo naman itong na nakilala ng biktima ang mga suspek na siyang nanghold-up sa kaniya.
Hindi na naibalik ang perang nakuha.
Nakapiit sa ngayon ang dalawang suspek sa Badiangan Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong robbery.
- ulat ni Rolen Escaniel
https://news.abs-cbn.com/news/02/17/21/kolektor-ng-lending-company-na-holdap-sa-iloilo