Sunday, April 11, 2021

GRABE ANG BILIS! LRT 1 EXTENSION PROJECT UPDATE & BACLARAN UPDATE! SIGHT...

Teenager patay matapos mabangga ng cargo truck sa Butuan City

Patay ang isang 16 taong gulang na lalaki habang sugatan naman ang kaniyang kasamahan matapos mabangga ng cargo truck sa Barangay Sumilihon madaling araw ng Sabado.


Bandang alas-3 ng madaling araw nang mabangga ng truck sina Rodhneil Tano at ang 18 anyos na si Klint Galve, na noo'y naglalakad sa slow lane ng national highway, ayon sa mga awtoridad.


Nagtamo ng matinding sugat si Tano, na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay, habang patuloy namang nagpapagaling sa ospital si Galve.


Hindi pa nagbibigay ng paliwanag ang driver ng cargo truck kaugnay sa pagbangga sa mga binatilyo pero kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng pulisya. – Ulat ni Charmane Awitan


https://news.abs-cbn.com/news/04/11/21/teenager-patay-matapos-mabangga-ng-cargo-truck-sa-butuan-city

Some Metro Manila residents put fake name, address in COVID-19 test: official

Metro Manila residents are urged to put their real name and address when they undergo testing for coronavirus as some put false information, an official said Sunday.


The region will intensify its COVID-19 testing by using antigen test kits, said Benhur Abalos, chairman of Metropolitan Manila Development Authority.


"Kung minsan po ang nangyayari pekeng pangalan ang binibigay at address. Kung peke naman ang binibigay niya, di mo mahahanap ang taong ito. 'Di naman po siguro ganun kadami ang gumagawa," he told ABS-CBN's Teleradyo.


(Sometimes people give fake names and address. You can't trace them. We don't think many do it.)


"Ilagay talaga ang pangalan at address nang sa gayon kung magpositive, mapayuhan kaagad siya at ang kaniyang mga kasama na magpatreat at mag-isolate."


(Put your real name and address so if you test positive, authorities can advise you and your companions to be treat and isolated.)


The region's COVID-19 reproduction rate has slowed to 1.23 (April 3 to April 9) from 1.88 the week before strict lockdown was implemented, said independent research group OCTA.


The group, however, recommended the extension of strict lockdown in NCR Plus bubble to further slow down the growth of infections. 


The Philippines on Saturday logged 12,674 more COVID-19 cases, its second-highest single day tally so far, bringing the total to 853,209.


It is forecast to reach 1 million virus cases by the end of the month, according to OCTA Research.


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/11/21/some-metro-manila-residents-put-fake-name-address-in-covid-19-test-official

Ayuda sa Pateros, ibibigay via online app

 Jekki Pascual, ABS-CBN News


Para maiwasan ang pagsikisikan sa pagkuha ng ayuda, inanunsyo ni Pateros Mayor Ike Ponce na ipapamahagi ang ayuda sa pamamagitan ng Starpay. Ito'y isang online payment gateway at pwedeng makuha ang pera sa mga remittance center gaya ng USSC. 


Ayon sa alkalde, nakita niya sa ibang lungsod na umaabot ang pila hanggang madaling araw at punuan madalas sa covered court, kaya napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan ng Pateros na gagamit muli sila ng digital platform. Ang Starpay ay ginamit na rin noong isang taon sa pamimigay ng Social Amelioration Program. 


Pero mababawasan ang ayuda ng mga tao dahil may service fee ang Starpay. Kung P4,000 ang makukuha mong ayuda para sa pamilya, P50 ang service fee. Kung P3,000 ay P40 ang fee, kung P2,000 ay P30 ang fee at kung P1,000 ang ayuda ay P20 naman ang service fee. 


"Mas makabubuti naman ito kaysa naman tayo'y pumila ng matagal dahil manual ang ating ginagawa po. At wala rin po tayo sa kasalukuyan manpower sa ngayon para gumawa niyan, dahil sabi ko nga sa inyo, hanggang ngayon naka-lockdown pa rin ang ating Treasury Office at marami po sa ating mga manggagawa ang naka-closed contact rin sa mga nag positive, kaya talagang kokonti ang personnel," ayon sa alkalde. 


Kailangan lang aniya ipakita ang ID para makuha ang ayuda. Magsisimula ang pamimigay ng ECQ ayuda sa Pateros sa Lunes. Pero hindi rin sabay-sabay para hindi pa rin mag siksikan. Iba ibang araw ang pag claim bawat barangay. 


Humihingi naman ng pasensiya si Mayor Ponce dahil hindi lahat ng nakakuha ng SAP noong isang taon ay kasama sa mabibigyan ng ECQ ayuda ngayon. Maliit lang aniya ang budget na nabigay sa kanila kaya priority nila ang mga pinakamahirap sa munisipalidad. Posible aniya na nakatanggap sila ng SAP noong isang taon, pero baka hindi mabigyan ng ayuda ngayon. Tuloy pa rin ang pagvavalidate ng mga tauhan nila sa listahan.


https://news.abs-cbn.com/news/04/11/21/ayuda-sa-pateros-ibibigay-via-online-app