Monday, February 1, 2021

Mag-asawa patay sa pamamaril sa Taguig

Isang mag-asawa ang patay matapos sila pagbabarilin sa Central Bicutan, Taguig City Lunes ng hapon.


Ayon sa mga awtoridad, tinambangan sina Marcelo at Zener Tomas ng mga di pa kilalang salarin sa San Diego St. ala 1:10 ng hapon.


Dead on the spot ang dalawa dahil sa tama ng bala. 


Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Taguig PNP sa mga salarin na agad tumakas. Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.


Ayon sa pulisya, parehong call center agent ang mag-asawa.--Ulat ni Jeck Batallones


https://news.abs-cbn.com/news/02/01/21/mag-asawa-patay-sa-pamamaril-sa-taguig

Destination Video - Roxas Blvd and Manila Bay, Metro Manila, Philippines