Friday, July 16, 2021
Naga itinutulak na ideklara nang Highly Urbanized City
NAGA CITY- Itinutulak sa konseho na ideklara sa pamamagitan ng isang Presidential Proclamation bilang isa sa mga Highly Urbanized Cities ang Naga.
Sa Local Government Code nakasaad na highly urbanized ang isang lungsod kung umaabot na sa 200-libo ang populasyon. Sa tala ng Philippine Statistics Authority lumalabas na umabot na sa 209,170 noong 2020 ang populasyon mula sa 196,003 noong 2015.
6.3% ang itinaas ito. Sa 27 Barangays ang Concepcion Pequeña pa rin ang maraming nananahanan kung saan umabot na ito sa 25,139 at Dinaga ang may pinaka kaunti sa 344.
Ayon kay City Councilor Badong Del Castillo , malaking bagay ito sa iba pang benipisyo, mga programang ipatutupad ng Local at National Government
https://brigadanews.ph/naga-itinutulak-na-ideklara-nang-highly-urbanized-city/