Thursday, November 19, 2020

Marikina records COVID-19 case after Ulysses onslaught

Marikina recorded one COVID-19 case after Typhoon Ulysses submerged houses and prompted residents to call for rescue atop their roofs, its mayor said Thursday, exactly a week after the storm's onslaught.


The patient, a 68 year-old male evacuee, was detected at the Barangka Elementary School and has since been isolated, according to Mayor Marcelino Teodoro.


All of the patient's relatives and close contacts tested negative for the coronavirus, he said.


"Ang priority pa rin natin talaga makabangon dito sa pinsalang dulot ng bagyo. Pangkabuhayan, 'yan po ang kailangan po; pero ayaw namin magdagdag problema pa ang COVID," he told ABS-CBN's Teleradyo.


(Our priority is still to recover from the typhoon's destruction. We need livelihood and we also don't want COVID to add to our problems.)


The Philippines as of Wednesday reported 412,097 cases of COVID-19, of which 7,957 were deaths, 374,666 were recoveries, and 29,474 were considered active.


https://news.abs-cbn.com/video/news/11/19/20/marikina-records-covid-19-case-after-ulysses-onslaught

P3.4-M halaga ng shabu nasamsam sa 3 suspek sa Pasay drug bust

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa 3 suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Pasay City hapon ng Miyerkoles.


Ayon kay Jigger Montallana, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Calabarzon region, target ng operasyon na ikinasa ng kanilang ahensiya ang 3 suspek na pawang mga residente ng Parañaque City.


Binentahan umano ng mga suspek ng ilegal na droga ang isang tauhan ng PDEA na nagpanggap na buyer.


Aabot sa 500 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/11/19/20/p34-m-halaga-ng-shabu-nasamsam-sa-3-suspek-sa-pasay-drug-bust

10 anyos na lalaki nalunod sa Dasmariñas

Wala nang buhay nang matagpuan nitong Miyerkoles ang isang 10 taong gulang na lalaki sa isang ilog sa Dasmariñas City, Cavite.


Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG)-Cavite, nakatanggap sila pasado ala-1 ng hapon ng tawag tungkol sa taong nalunod sa ilog sa may Ilano Compound, Barangay San Manuel II.


Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG kasama ang Dasmariñas City Disaster Risk Reduction Management Office para mahanap ang biktima.


Makalipas ang 20 minuto, nahanap ng mga diver ang bangkay ng bata, na base sa imbestigasyon ay naligo sa ilog nang mangyari ang insidente.


Nai-turnover na ang labi ng bata sa kaniyang ama matapos ang operasyon.


Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na iwasang maligo sa mga ilog, lalo na tuwing panahon na maulan at may bagyo.


https://news.abs-cbn.com/news/11/19/20/10-anyos-na-lalaki-nalunod-sa-dasmarias