Monday, April 12, 2021

Shabu sa pakete ng tsaa nasabat, 3 drug suspek patay

Patay ang 3 drug suspek sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Pasay at ParaƱaque nitong Sabado at Linggo.


Nasa P81.6 milyong halaga ng shabu na nakatago sa mga pakete ng tsaa ang nasabat sa 2 operasyon, ayon sa pulisya.


Noong Sabado, patay ang isang alyas Richard sa West Service Road, Barangay Sun Valley sa ParaƱaque matapos makatunog na pulis ang katransaksiyon niya at magpapaputok ng baril.


Nakuha ang 5 kilo ng shabu na may halagang P43 milyon na nakatago sa pakete ng tsaa.


Nitong Linggo, 2 suspek ang patay sa C5 Extension sa Pasay.


Nakuha ang 7 kilo ng shabu na may halagang 47.6 milyon mula kila alyas Domeng at alyas Rey.


Ang mga suspek ay kilalang nagtutulak umano ng droga sa lugar at ang mga supplier umano nila ay mga Chinese, ayon kay Metro Manila Police chief Vicente Danao.


Dagdag niya, hindi parte ng plano ang pagkamatay ng mga drug suspek, pero kailangan umanong gawin para protektahan ang buhay ng mga pulis at mga sibilyan.


--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/12/21/shabu-sa-pakete-ng-tsaa-nasabat-3-drug-suspek-patay

No comments:

Post a Comment