Monday, April 12, 2021

Karagdagang ruta ng traditional jeepney, provincial buses bubuksan sa Metro Manila

Bubuksan ngayong linggo ang karagdagang ruta ng traditional jeepneys at provincial buses sa Metro Manila, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board nitong Lunes.


Nakatakdang buksan ang 62 ruta ng traditional jeepney at 195 ruta ng provincial buses sa Metro Manila, ayon kay LTFRB-Metro Manila regional director Zona Tamayo.


Hindi apektado ng curfew ang biyahe ng pampublikong sasakyan sa NCR Plus, dagdag niya.


Simula Lunes, 8 p.m. to 5 a.m. na ang curfew sa Metro Manila matapos ito isailalim sa modified enhanced community quarantine.


"Sa guidelines po ng IATF (Inter-Agency Task Force Against COVID-19) tuloy po ang ating public transportation kaya hindi ho affected ang ating operations ng curfew pero syempre po ang ating mananakaya ay dapat sumunod pa rin sa curfew na ipinapatupad," aniya sa ABS-CBN Teleradyo.


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/12/21/karagdagang-ruta-ng-traditional-jeepney-provincial-buses-bubuksan-sa-metro-manila

No comments:

Post a Comment