Monday, May 3, 2021

Higit P1 milyon halaga na droga nasabat sa Metro Manila

Jekki Pascual, ABS-CBN News


Arestado ang 5 drug suspek sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Quezon City, Taguig at Manila. 


Aabot sa higit P1 milyong ang halaga ng mga nasabat na droga. 


Ayon sa NCRPO, nahuli ang isang babaeng drug suspek sa buy bust sa Barangay Central Bicutan, Taguig nitong Sabado. 


Nasa 59 grams ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa kaniya at may dagdag pang 7.5 grams na hinihinalang marijuana. May kabuuang halaga na P402,000 ang mga ilegal na droga. 


Sa Quezon City, nahuli naman ng QCPD Station 5 ang isang lalaki na si alyas Tadz sa buy bust sa Barangay Greater Fairview. 


Nakuha sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 80 grams. Nagkakahalaga ang mga droga na P544,000. 


Sa Maynila, 3 suspek ang inaresto ng MPD Station 5 sa kanto ng Taft at Ayala sa Ermita. 


Nakuha sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang droga na may street value na P173,000.


Nakakulong na ang 5 mga nahuling drug suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.


https://news.abs-cbn.com/news/05/03/21/higit-p1-milyon-halaga-na-droga-nasabat-sa-metro-manila

No comments:

Post a Comment