Sampung pamilya ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng apoy ang anim na magkakatabing bahay sa Dahlia St., Brgy. Payatas A, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ng 5:17 p.m. agad na itinaas sa ikalawang alarma nang 5:28 p.m. at tuluyang naapula ganap na 6:22 p.m.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na pagwe-welding ang dahilan ng pagsiklab ng apoy sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Felecita Villabroza.
Nagtamo ng first degree burn ang isa sa miyembro ng pamilya na si Lauro Christopher Villabroza.
Tinataya namang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.
No comments:
Post a Comment