Wednesday, April 14, 2021

Residential area sa Quezon City nasunog

Nasunog ang ilang magkakatabing bahay sa Barangay Sauyo sa Quezon City Martes ng gabi. 


Sa tala ng Bureau of Fire Protection, naitala ang sunog pasado alas-8 ng gabi, at naiakyat agad ang unang alarma bandang 8:26 p.m. Matapos ang 10 minuto, itinaas agad ang 2nd alarm. 


Kuwento ng isa mga nasunugan, mabilis kumalat ang apoy sa magkakatabing bahay sa kanilang lugar. 


Si Orlando Persiviranda, kakaunting damit at alagang manok na lang ang naisalba sa sunog. 


“Iyong dalawang bata po ata doon sa kapitbahay namin na naglalaro ng apoy. Iyon po ang naumpisahan ng sunog. Basta po napakabilis ang nangyari,” aniya.


Sinubukan naman ng ilang residente na tumulong apulahin ang apoy. 


Bandang 9:07 p.m. ay nakontrol na ng mga bumbero ang sunog at bandang 9:28 p.m. naman ay idineklarang fire out na ito. 


Dahil madilim sa lugar at tabi ng creek ang mga nasunog na bahay, nahirapan ang Bureau of Fire Protection na maglagay ng estimate sa halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy, at kung ilang pamilya at mga bahay ang apektado.


https://news.abs-cbn.com/news/04/14/21/residential-area-sa-quezon-city-nasunog

No comments:

Post a Comment