Friday, April 23, 2021

Pagbabakuna sa ilang lungsod sa Metro Manila, Cavite ginawang house-to-house

House-to-house na ang ginagawang pagbabakuna sa ilang lungsod sa Metro Manila at Cavite, lalo na ang mga senior citizen na hirap ng makapunta sa mga vaccination site.


Ito ay upang maiwasan silang mahawa ng virus kung lalabas ng bahay at pupunta sa itatalagang vaccination sites sa kani-kanilang mga lugar.


"Itong ginagawang pagbabahay-bahay ay para hindi mawalan ng pagkakataon ang mga mamamayang Pilipino na hindi na po kayang magbiyahe, hindi na kayang lumabas ng bahay," ani Dr. Nina Castillo-Carandang, miyembro ng National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 vaccine.


Sa panayam kay Carandang nitong Biyernes, sinabi rin niya na ibayong pagpaplano ang dapat gagawin dito para maiwasan ang hawaan ng mga magpupunta sa mga tahanan upang magpabakuna.


"Kailangang gawin ito ng higit pang pag-iingat. Kailangan 'yong mga taong dadalaw kay lolo, kay lola, kay tito at kay tita sa bahay ay nasa maayos din na kalagayan," aniya.


Sa kasalukuyan, nakapagtala ang Pilipinas ng 971,049 na kaso ng COVID-19 kung saan 16,370 ang pumanaw dahil sa sakit. Kasama rin dito ang 107,988 na active cases o mga pasyente na may coronavirus.


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/23/21/pagbabakuna-sa-ilang-lungsod-sa-metro-manila-cavite-ginawang-house-to-house

No comments:

Post a Comment