Friday, April 23, 2021

10 company shuttle van na kulang sa papeles, na-impound sa Laguna

Na-impound ang 10 company shuttle van matapos mahuling bumibiyaheng kulang sa mga papeles sa Cabuyao, Laguna nitong Biyernes.


Madaling-araw nagsimula ang operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa Pulo-Diezmo Road malapit sa tollgate ng South Luzon Expressway.



Kabilang sa mga nahuli ang isang shuttle na bukod sa ilegal ang pagka-arkila ay nadiskubreng naniningil din sa mga pasahero na empleyado ng parcel delivery company.


Sabi ng mga pasahero sa enforcer, tig-P30 ang singil sa kanila para magpahatid mula Calamba City papunta sa opisina nila sa Cabuyao.


Binabayaran naman ang driver ng P350 araw-araw.


Ayon sa i-ACT, maaari itong ikonsidera na illegal shuttle at kolorum pero inilista na lang ito na illegal shuttle service.


Pinuntahan ang lugar dahil sa mga reklamo na maraming van na wala umanong mga maayos na permit.


Kailangan magpakita ang mga shuttle ng mga rekisito tulad ng contract of lease at passenger accident insurance.



Sinilip din ang pagsunod ng mga pasahero sa health protocols. Isang van ang nasita dahil punuan sa pasahero.


 


Samantala, bumigat ang daloy ng trapiko sa kalsada dahil sa pagbangga ng isang truck sa ilang sasakyan bago tumama sa poste ng kuryente.


Ayon kay Chen Beros ng i-ACT, natamaan ang 2 motorsiklo ng Highway Patrol Group na kasama sa anti-colorum operation.


Nahagip pa ang isang van ng mga taga-i-ACT, motorsiklo at tricycle.


Sabi ng driver sa mga enforcer, nawalan daw ng hangin ang preno ng truck.


Wala namang nasaktan sa insidente.


https://news.abs-cbn.com/news/04/23/21/10-company-shuttle-van-na-kulang-sa-papeles-na-impound-sa-laguna

No comments:

Post a Comment