Palutang-lutang sa dagat sa Cavite City ang 12 sakay ng isang tumaob na bangka bago sila nasagip ng mga awtoridad nitong lunes.
Pasado alas-7 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang Philippine Coast Guard-Cavite mula sa mga nagpapatrolyang mga kasamahan para ireport ang insidenteng nangyari walang isang kilometro ang layo mula sa Sangley Point.
Pauwi na sana sa Las Piñas ang pamilya ni Erwin Ferrer na nagdiwang ng kaniyang ika-60 na kaarawan sa Cavite at nagsilbing kapitan ng bangka.
Sa imbestigasyon, lumaki ang alon sa dagat habang naglalayag sila bandang alas-5 ng hapon.
Bagamat maganda ang panahon, maaaring nakaapekto sa alon ang pagpalit ng temperatura, ayon kay Lt. Michael John Encina ng PCG Cavite.
Malaking tulong din ang suot na life vest ng mga pasahero kaya naisalba ang lahat ng sakay kahit ilan sa kanila ay may edad na at meron ding mga bata.
Ligtas nang nakauwi sa Las Piñas ang mga sinagip na inihatid sa Las Piñas ng Coast Guard Rescue Team.
https://news.abs-cbn.com/news/04/06/21/12-nasagip-mula-sa-tumaob-na-bangka-sa-dagat-sa-cavite-city
No comments:
Post a Comment