Friday, April 23, 2021

10 company shuttle van na kulang sa papeles, na-impound sa Laguna

Na-impound ang 10 company shuttle van matapos mahuling bumibiyaheng kulang sa mga papeles sa Cabuyao, Laguna nitong Biyernes.


Madaling-araw nagsimula ang operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa Pulo-Diezmo Road malapit sa tollgate ng South Luzon Expressway.



Kabilang sa mga nahuli ang isang shuttle na bukod sa ilegal ang pagka-arkila ay nadiskubreng naniningil din sa mga pasahero na empleyado ng parcel delivery company.


Sabi ng mga pasahero sa enforcer, tig-P30 ang singil sa kanila para magpahatid mula Calamba City papunta sa opisina nila sa Cabuyao.


Binabayaran naman ang driver ng P350 araw-araw.


Ayon sa i-ACT, maaari itong ikonsidera na illegal shuttle at kolorum pero inilista na lang ito na illegal shuttle service.


Pinuntahan ang lugar dahil sa mga reklamo na maraming van na wala umanong mga maayos na permit.


Kailangan magpakita ang mga shuttle ng mga rekisito tulad ng contract of lease at passenger accident insurance.



Sinilip din ang pagsunod ng mga pasahero sa health protocols. Isang van ang nasita dahil punuan sa pasahero.


 


Samantala, bumigat ang daloy ng trapiko sa kalsada dahil sa pagbangga ng isang truck sa ilang sasakyan bago tumama sa poste ng kuryente.


Ayon kay Chen Beros ng i-ACT, natamaan ang 2 motorsiklo ng Highway Patrol Group na kasama sa anti-colorum operation.


Nahagip pa ang isang van ng mga taga-i-ACT, motorsiklo at tricycle.


Sabi ng driver sa mga enforcer, nawalan daw ng hangin ang preno ng truck.


Wala namang nasaktan sa insidente.


https://news.abs-cbn.com/news/04/23/21/10-company-shuttle-van-na-kulang-sa-papeles-na-impound-sa-laguna

2 sangkot sa 'hagis-singsing' modus arestado sa Maynila

Kulong ang dalawang lalaking nagnanakaw ng mga singsing sa Kalaw Avenue sa Ermita, Maynila.


Ayon sa Ermita Police, mga seaman ang karaniwang binibiktima ng mga suspek.


Dating overseas Filipino worker at dating sekyu ang dalawang arestadong suspek.

 

Modus umano nila ay ang sundan ang biktima na may suot na singsing. 


Sadya nila itong babanggain para makausap ang biktima at tatanungin kung seaman ito at hihilingin na matingnan ang kanilang singsing bilang pruweba.


Ito na ang pagkakataon ng suspek na palitan ito ng pekeng singsing. Nagsisilbi namang lookout ang isa sa kanila.


Huwebes nang may mabiktimang isang seaman sa Kalaw Avenue ang mga suspek pero agad nakapagsumbong sa mga pulis ang biktima kaya sila naaresto.


Sabi ng mga suspek, sa Recto nila ibinebenta ang mga singsing na naglalaro sa halagang P7,000.


Nakatakdang sampahan ng kasong robbery with intimidation ang mga suspek.


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/23/21/2-sangkot-sa-hagis-singsing-modus-arestado-sa-maynila

Metro Manila mayors set to discuss quarantine status for May

The Metro Manila Council is set to meet Sunday to discuss its recommendation to the government's COVID-19 task force on the possible quarantine classification of the capital region for May, its chairman said Friday.


"Itong pagpupulong na ito ay base rito 'yong ating magiging recommendation sa darating na katapusan," Parañaque City Mayor Edwin Olivarez told Teleradyo.


(This meeting will be for our recommendation [on quarantine status] after the end of this month.)


Metro Manila and the provinces of Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal are under modified enhanced community quarantine -- the second toughest lockdown level -- until April 30.


Olivarez said they would meet with health experts to assess the COVID-19 situation in every local government units.


"Kailangan consolidated ang ating data. Hindi lang partikular na isang siyudad lang, kundi itong 16 na siyudad at 1 munisipyo all over the National Capital Region," he said.


(The data must be consolidated. It should not be only 1 city, but all 16 cities and 1 municipality all over the National Capital Region.)


In Parañaque City, Olivarez deemed the situation to be improving.


"Halos nagpa-plateau kami nitong 1 to 2 weeks. Gumaganda 'yong ating number dito at mas marami 'yong recovery. Hopefully magtuloy-tuloy ang pagbaba ng ating COVID," he said.


(We are almost plateauing in the past or 2 weeks. Our numbers are improving and many have recovered. Hopefully it will continue to go down.)


In the interview, Olivarez bared they had been allowed to use antigen tests for quick testing and tracing of COVID-19 cases.


"Ang maganda dito sa antigen ay immediatley malalaman natin 'yong resulta at puwede nating ma-isolate kaagad ang mga suspect at probable patients," he said.


(The good thing about antigen is we will know the results immediately and we can quickly isolate suspect and probable patients.)


The gold standard for COVID-19 testing is still polymerase chain reaction (PCR) tests. Antigen tests are said to be less accurate but are more useful at checking for current infection than rapid antibody tests. Antigen tests are also cheaper and quicker to use than PCR tests.


https://news.abs-cbn.com/news/04/23/21/metro-manila-mayors-set-to-discuss-quarantine-status-for-may

Pagbabakuna sa ilang lungsod sa Metro Manila, Cavite ginawang house-to-house

House-to-house na ang ginagawang pagbabakuna sa ilang lungsod sa Metro Manila at Cavite, lalo na ang mga senior citizen na hirap ng makapunta sa mga vaccination site.


Ito ay upang maiwasan silang mahawa ng virus kung lalabas ng bahay at pupunta sa itatalagang vaccination sites sa kani-kanilang mga lugar.


"Itong ginagawang pagbabahay-bahay ay para hindi mawalan ng pagkakataon ang mga mamamayang Pilipino na hindi na po kayang magbiyahe, hindi na kayang lumabas ng bahay," ani Dr. Nina Castillo-Carandang, miyembro ng National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 vaccine.


Sa panayam kay Carandang nitong Biyernes, sinabi rin niya na ibayong pagpaplano ang dapat gagawin dito para maiwasan ang hawaan ng mga magpupunta sa mga tahanan upang magpabakuna.


"Kailangang gawin ito ng higit pang pag-iingat. Kailangan 'yong mga taong dadalaw kay lolo, kay lola, kay tito at kay tita sa bahay ay nasa maayos din na kalagayan," aniya.


Sa kasalukuyan, nakapagtala ang Pilipinas ng 971,049 na kaso ng COVID-19 kung saan 16,370 ang pumanaw dahil sa sakit. Kasama rin dito ang 107,988 na active cases o mga pasyente na may coronavirus.


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/23/21/pagbabakuna-sa-ilang-lungsod-sa-metro-manila-cavite-ginawang-house-to-house

Wednesday, April 21, 2021

WATCH: Maginhawa community pantry organizer gives tour on day of reopening

The organizer of Maginhawa community pantry gave a behind-the-scenes tour of the stall during its reopening on Wednesday morning.


Ana Patricia Non said it has 12 volunteers, who were vendors from whom she bought supplies for the pantry.


"Saktong-sakto na po siya para hindi po crowded," she told ANC's Headstart.


(It's enough so that we're not crowded.)


The community pantry, which inspired others in the country to put up their own, temporarily stopped its operation on Tuesday due to red-tagging, Non said.


"Wala naman po talaga sa isip ko na titigil ang community pantry. Sure naman po akong magpapatuloy siya hangga't may nangangailangan at may willing tumulong," Non said.


(It never crossed my mind to stop the community pantry. I'm sure it would continue as long as there are people in need and people are willing to help.)


"Kailangan lang namin mag-pause kahapon para ma-ensure ang security at hindi po biro ang red-tagging lalo na sa panahon ngayon...Kailangan lang po natin i-ensure na safe lahat ng organizers, donors at mga pumipila."


(We just needed to pause yesterday to ensure security as red-tagging is not a joke... We just needed to ensure the organizers, donors and people lining up are safe.)


The Quezon City local government sends its Task Force Disiplina personnel to enforce physical distancing, supply face masks and face shields, and check up on volunteers, Non added.


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/21/21/watch-maginhawa-community-pantry-organizer-gives-tour-on-day-of-reopening

2 patay sa pananambang sa Makati

Patay ang 2 tao matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin ang sinasakyan nilang van sa lungsod ng Makati nitong hapon ng Miyerkoles.


Dead on the spot ang isang babae at isang lalaking sakay ng puting van sa may Barangay Bel-Air matapos pagbabarilin bandang alas-2 ng hapon.


Patuloy na iniimbestigahan ng Makati police ang insidente.


Pinag-aaralan na rin ang mga kuha ng CCTV sa lugar para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman.


https://news.abs-cbn.com/news/04/21/21/2-patay-sa-pananambang-sa-makati

Monday, April 19, 2021

12 anyos patay nang madapa matapos umanong takasan ang naninitang tanod sa Pasay

Patay ang isang 12-anyos na lalaki matapos umanong takasan ang mga barangay tanod na sumita sa kaniya dahil sa paglabag sa quarantine protocols sa Pasay City noong Miyerkoles.


Sa CCTV footage, makikitang pumiglas ang bata at tumakbo. Doon na umano ito nadapa at nabagok ang ulo.


Dinala pa sa pagamutan ang bata, pero idineklarang dead on arrival. 


"Yun bitbit ng mga tanod, 'yun hawak hawak nila ang bata, 'yung bata pumiglas, kumawala. On the way na sila sa barangay eh. Malapitan lang. Eh, tumakbo, nadapa. Tumama pala sa pavement ulo niya," ani Police Col. Cesar Paday-os, hepe ng Pasay City Police.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.


Ang mga residenteng may edad 18 hanggang 65 anyos lamang ang maaaring lumabas ng tahanan sa Metro Manila habang nakasailalim sa modified enhanced community quarantine, ayon sa guidelines ng IATF.


Maaaring may pananagutan ang mga magulang ng bata dahil pinabayaang makalabas ito kahit na ipinagbabawal, ayon sa pulisya.


Kasama rin sa imbestigasyon ang posibleng pananagutan ng mga tanod.


Hinihintay pa ang resulta ng autopsy. Dito umano magbabase ang pamilya ng bata kung magsasampa ng kaso. 


Tumangging humarap sa ABS-CBN News ang mga tanod dahil nagbigay na umano sila ng pahayag sa mga pulis. Maging ang mga magulang ng bata ay tumangging magbigay ng pahayag sa mga oras na ito. 


Nasa 34 curfew violators ang nasita ng mga awtoridad Lunes ng gabi sa lungsod. Samantala, 70 naman ang lumabag sa ordinansa hinggil sa pagsusuot ng face mask, at 22 ang hindi sumunod sa physical distancing.


https://news.abs-cbn.com/news/04/19/21/12-anyos-patay-nang-madapa-matapos-umanong-takasan-ang-naninitang-tanod-sa-pasay