Thursday, February 18, 2021

Demolisyon ng mga bahay sa Las Piñas compund nauwi sa gulo

Nauwi sa tensiyon at gulo ang demolisyon sa Castillo Compound sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City, na pinangunahan mismo ng lokal na pamahalaan nitong Huwebes ng umaga. 


Dumating ang demolition team ng Las Piñas LGU at gigibain na sana ang nasa 10 bahay na nakatirik sa lupang sinasabing pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan. 


Pero pumalag ang mga residente at tumangging ipagiba ang mga bahay nila. Nauwi sa batuhan ang insidente. 


Ayon sa ilang residente roon, 6 na dekada silang nakatira roon at caretaker ang kanilang ama sa lupa na iyon. 


May ilang walang nagawa nang gibain ang bahay pero may ilan na sinabing lalaban hanggang sa huli. 


Meron din namang ilang pumayag na i-relocate pero may iba na sinabing doon pa rin titira sa bangketa. 


Ayon sa LGU, may paglilipatan naman ang mga residente na sa loob din ng Las Piña. 


Gagamitin daw ang lupa upang tayuan ng eskuwelahan. 


Binigyan din ng cash assistance ang mga nawalan ng tirahan.


–Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/02/18/21/demolisyon-ng-mga-bahay-sa-las-pias-compund-nauwi-sa-gulo

No comments:

Post a Comment