Monday, April 5, 2021

Senior citizen patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Davao del Sur

Patay ang isang 60-anyos na lalake matapos siya ma-trap sa nasusunog niyang bahay sa Purok Talisay, Brgy. Tuban sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur Linggo ng gabi.


Kinilala ang biktima na si Erenio Ayo Camongay. Siya lang ang mag-isang nakatira sa bahay na nasunog.


Alas 9:30 ng gabi nang napansin ng kapatid ng biktima, na kapitbahay rin nito, na nasusunog na pala ang tinitirahan niya. Pero huli na nang nakita dahil kasama na si Erenio sa nilamon ng apoy.


Sa paunang imbestigasyon ng Sta. Cruz BFP, posibleng lasing ang biktima kaya hindi ito agad nagising nang mangyari ang sunog, ayon kay SFO1 Mark Arvin Metilla.


Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa kahoy ang bahay.

Ang nakikitang sanhi ng sunog ay ang sinindihang balat ng niyog para pamatay ng lamok dahil wala namang kuryente sa kanilang lugar.--Ulat ni Chrislen Bulosan


https://news.abs-cbn.com/news/04/05/21/senior-citizen-patay-matapos-ma-trap-sa-nasusunog-na-bahay-sa-davao-del-sur

No comments:

Post a Comment