Jervis Manahan, ABS-CBN News
Timbog ang isang lalaki matapos umano bumili ng shabu gamit ang ayudang natanggap sa Barangay Matandang Balara, Quezon City nitong Miyerkoles.
Ayon sa isang barangay official, kakakuha lang ng P4,000 na ayuda ang lalaki bago siya nahuling lumalabag ng curfew ng lungsod.
Nang kapkapan siya ay nakitaan siya ng isang pakete ng shabu na may halagang P150.
Umamin ang suspek na bumili siya ng naturang ilegal na droga gamit ang parte ng ayuda, at binigay niya ang natitirang P3,000 sa kapatid.
Aminado din ang lalaki na bisyo nga niya ito.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.
https://news.abs-cbn.com/news/04/15/21/lalaking-bumili-umano-ng-shabu-gamit-ang-ayuda-timbog-sa-qc
No comments:
Post a Comment