Isang 70-anyos na ice candy vendor sa Camarines Sur ang namatay matapos mabundol ng isang tricycle sa bayan ng Pili noong Abril 22.
Tukoy na ng pulisya ang tricycle driver na nakabundol sa biktimang kinilalang si Domingo Valles habang palabas na ng Maharlika Highway sa Barangay Palestina, dala ang kaniyang panindang ice candy.
Patay-malisya ang tumakas na driver sa bumagsak na matanda, na agad nasawi dahil sa matinding head at neck injury.
Ayon sa anak ng biktima na si Police Corporal Yashua Valles, nakilala na nila ang nagtatagong driver dahil sa sumbong ng isang ka-jamming sa pagbibisyo nito.
“Sabi kaidtong kabisto, lango daa ito sa droga…taga-Cararayan (Naga City) po siya, nag-iskor lang daa ito sa Pili,” ani Valles.
(Sabi no’ng kakilala, lango raw yun sa droga… Taga-Cararayan, Naga City po siya, umiskor lang sa Pili.)
Ayon sa pulisya, desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng kasong homicide ang driver, na nakatakda na umanong sumuko ayon sa may-ari ng tricycle.
Napalitan na umano ng pintura at naalis na ang top load ng tricycle. Kaya pinag-aaralan rin ng pamilya Valles at pulisya ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice laban sa tricycle operator matapos umanong tangkaing itago ang ebidensiya sa krimen. - ulat ni Jonathan Magistrado
https://news.abs-cbn.com/news/04/29/21/70-anyos-na-ice-candy-vendor-patay-sa-hit-and-run-sa-camsur
No comments:
Post a Comment