Thursday, February 11, 2021

Lalaki patay matapos tamaan ng kidlat sa Capiz

Patay ang isang lalaki matapos tamaan kidlat, Miyerkoles ng hapon sa Barangay West Villaflores, sa bayan ng Maayon sa Capiz.


Nakilala ang nasawi na si Danilo Bansagan, 18, at residente sa nasabing lugar.


Sa imbestigasyon ng Maayon Police, naglalakad si Bansagan sa gitna ng palayan kasama ang apat pang kaibigan nang biglang umulan at kumidlat.


Ayon sa kaniyang mga kaibigan, nakita na lamang nilang natumba si Bansagan at umuusok ang katawan nito.


Kaagad na humingi ng saklolo ang kaniyang mga kaibigan at dali-daling dinala siya sa ospital ngunit ideneklara na itong dead on arrival. - Rolen Escaniel


https://news.abs-cbn.com/news/02/11/21/lalaki-patay-matapos-tamaan-ng-kidlat-sa-capiz

No comments:

Post a Comment