Pansamantalang isasara ang Skyway Stage 3 mula Buendia, Makati City hanggang Balintawak, Quezon City simula gabi ng Miyerkoles hanggang madaling araw ng Huwebes.
Sa isang Twitter post, sinabi ng Skyway O&M Corp. na sarado ang Skyway mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw para bigyang daan ang ilang construction-related activities.
Motorist Advisory #SkywayStage3 #Skyway pic.twitter.com/wnXhon91gS
— SKYWAY SOMCO (@SkywaySOMCO) January 6, 2021
Sarado rin umano ang naturang daan mula alas-10 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Biyernes.
Binuksan noong Disyembre 29 sa mga motorista ang 4 na lane ng Skyway Stage 3 project.
Nauna nang sinabi ng San Miguel Corp. na magagamit simula Enero 14 ang lahat ng 7 lane ng daan.
Wala rin munang toll fee sa unang buwan ng Skyway Stage 3 operations.
Dinurugtong ng proyekto ang North Luzon Expressway at South Luzon Expressway, at binabawasan ang travel time sa pagitan ng Buendia at Balintawak.
Nagsisilbi ring alternatibo ang Skyway Stage 3 sa EDSA para makabiyahe ang mga motorista sa iba't ibang lungsod sa Metro Manila.
https://news.abs-cbn.com/news/01/06/21/skyway-stage-3-pansamantalang-isasara-simula-gabi-ng-enero-6
No comments:
Post a Comment