Thursday, November 19, 2020

P3.4-M halaga ng shabu nasamsam sa 3 suspek sa Pasay drug bust

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa 3 suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Pasay City hapon ng Miyerkoles.


Ayon kay Jigger Montallana, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Calabarzon region, target ng operasyon na ikinasa ng kanilang ahensiya ang 3 suspek na pawang mga residente ng ParaƱaque City.


Binentahan umano ng mga suspek ng ilegal na droga ang isang tauhan ng PDEA na nagpanggap na buyer.


Aabot sa 500 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/11/19/20/p34-m-halaga-ng-shabu-nasamsam-sa-3-suspek-sa-pasay-drug-bust

No comments:

Post a Comment