Hindi bababa sa 50 bahay ang nasunog sa Purok 2 sa Barangay Culiat sa Quezon City nitong Martes.
Ayon kay SFO Fidel Natiggi, naunang nai-report sa Bureau of Fire Protection ang sunog bandang alas 8:27 ng gabi.
Residential area sa Barangay Culiat, Quezon City, nasusunog ngayon. Ikalimang alarma nakataas pa rin @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/u5158ir6Nf
— Joyce Balancio (@joycebalancio) December 29, 2020
Nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay. Dahil gawa ito sa light materials, agad kumalat ang apoy sa katabing mga bahay.
Ilang minuto lang din ay naiakyat sa ikalimang alarma ang sunog bandang alas 9 ng gabi.
Ang mga residente, nahirapan na pagsalba ng mga gamit dahil sa biglaang paglaki ng sunog.
Marami nang tauhan ng Bureau of Fire Protection ang rumesponde at tinulungan din ng fire volunteers mula sa iba’t ibang mga barangay.
Tinatayang nasa 100 pamilya ang naapektuhan.
Wala naman naitalang namatay o nasugatan sa sunog na nedeklarang fire out bandang 10:05 ng gabi.
Hanggang ngayon ay inaalam pa ng BFP ang pinagmulan nito.
https://news.abs-cbn.com/news/12/30/20/nasa-50-bahay-sumiklab-sa-quezon-city-100-pamilya-apektado
No comments:
Post a Comment