“Great works are performed not by strength but by perseverance.” – Samuel Johnson. Ito ang iniwang inspirasyon ng Punong Lungsod Lourdes Cataquiz sa kanyang bating-panimula sa katatapos lamang na Ground Breaking Ceremony sa pagpapasimula ng SLEX Northbound Exit Interchange noong ika-19 ng Hulyo, 2018, ganap na 2:30 ng hapon sa Barangay San Antonio, lungsod ng San Pedro. Sa isang makasaysayang araw na ito, binigyang diin muli ni Mayor Cataquiz ang pagpapasalamat sa Panginoon sa biyaya ng tagumpay na maisakatuparan ang matagal nang minimithing proyekto. Ipinahayag din niya ang pagpapasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte, DPWH Secretary Mark Villar, Congresswoman Arlene Arcillas, sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro at sa mga mamamayan na nagbahagi ng kanilang lupang pagmamay-ari bilang pagsuporta at pagpapahayag ng kanilang ‘Best Shared Intentions’ para sa lungsod ng San Pedro. Patuloy na nilalayon na sa pamamagitan ng SLEX Northbound Exit Interchange ay maisakatuparan din na maging Business Hub ang nasabing lungsod. Ipinangako ng alkalde ang transparency at kasiguraduhan na matatapos ang proyekto sa takdang petsa. Nagpahatid din ng pagbati si Congresswoman Arlene Arcillas, Gov. Ramil Hernandez at ang kinatawan ni Secretary Mark Villar na si DPWH Region 4A Director Samson Hebra. Ang kanilang mga pagbati ay pawang sumesentro sa tagumpay na naidudulot ng pagkakaisa ng Pamahalaan at ng Pribadong Sektor. “Ang katuparan ng proyektong SLEX Northbound Exit Interchange ay makapagbibigay ng kaganapan sa Lungsod ng San Pedro bilang Gateway to Laguna,” dagdag pa nila. Ang Ground Breaking Ceremony ay dinaluhan din ni DPWH Asst. Regional Director Yolanda Tangco, DPWH Construction Division Chief Carolina Pastrana, TRB Executive Director Abraham Sales, Executive Assistant V Aaron Cataquiz, DepEd Supervisor Jovito M. Barcenas Sangguniang Panlungsod, Liga ng mga Kapitan ng Barangay, kinatawan ng iba’t-ibang kumpanya sa San Pedro, Local Media, kinatawan ng Simbahan, mga Kawani ng Gobyerno, Alaska Corporation, Homeowners Associations, at old San Pedronians.
No comments:
Post a Comment