Mahigit 80,000 pamilya apektado ng PNR South at North Rail Projects.
Aminado ang Department of Transportation na libu-libong pamilya ang maaapektuhan ng itatayong PNR North and South Rail Project na sisimulan sa mga susunod na buwan.
Sa pagdinig ng Kamara sinabi ni DOTr Sec. Arthur Tugade, aabot sa humigit kumulang 82,000 ang mga pamilyang matatamaan ng P7 Billion PNR North and South project.
Kasama na sa pondo ang right of way payments para sa mga residenteng maaapektuhan dahil kukunin ang kanilang lupa.
Pero, hindi tulad sa DPWH na ang right of way payment ay may probisyong sinusunod kung saan kailangang magsumite ng requirement bago ma-release ang pondo, ang DOTr ay walang ganito.
Ang nasabing railway system ay dadaan ito sa Manila to Los BaƱos, Calamba to Batangas, kahabaan ng Quezon, Camarines Norte and Sur, Albay and Sorsogon.
Kinalampag naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang ahensya na bago maisakatuparan ang mga proyekto ay dapat may tiyak na plano para sa mga maapektuhan nito.
http://radyo.inquirer.net/78780/mga-bahay-ng-may-80000-pamilya-tatamaan-sa-pagtatayo-ng-pnr-rail-project

No comments:
Post a Comment