Tuesday, August 9, 2016

Bench, pahinga muna sa bonggang UNDERWEAR SHOW

WALANG Bench Denim & Underwear Show na magaganap sa taong ito.
Ito ang sabi sa amin ng Bench Chairman & CEO na si Mr. Ben Chan nang makausap namin ito sa launch ng JaDine bilang Benchsetters nu’ng Sabado nang gabi sa SM MOA Music Hall.
Dapat ay meron ngayong 2016 ang nasabing biennial fashion show ng Bench, pero mag-i-skip muna ng isang taon at sa 2017 na ito magaganap, sabi sa amin ni Sir Ben.
Mas naging busy kasi ang mga taga-Bench sa New York Fashion Week 2016 na ginanap last July sa NYC.
‘Yun ang first time para sa isang Philippine fashion brand na itampok sa nasabing fashion event sa Big Apple.
Pinresent ng Bench Body ang spring/summer 2017 collection nito sa NYFW, tampok ang nagseseksihang international models na nakuha mula sa pa-go-see nila roon sa New York.
Bale collaboration ito ng Bench at Cadet.
Isa sa mga rumampa in his Bench Body underwear ay ang Pinoy international model na si Paolo Roldan.
Dream come true para kay Sir Ben ang makapag-present ang Bench sa New York na sentro ng arts and fashion.
Dinaluhan ito ng US mainstream fashion ma­gazines, bloggers at buyers na naghahanap ng bagong brands.
Perfect ang timing kung next year gaganapin ang denim & underwear show ng Bench dahil 30th anniversary ng leading Filipino lifestyle brand sa 2017.
Ang huling fashion show ng Bench na The Naked Truth sa MOA Arena nu’ng 2014 ay naging kontrobersyal dahil sa segment ni Coco Martin with a foreign female model na may tali sa leeg.
Mainit man itong pinag-usapan at pinagdebatehan ay hindi maitatanggi na palaging pasabog ang palabas na binibigay ng Bench sa audience kaya palagi itong ina­abangan.
Ang Bench lang ang ka­yang mag-mount ng ganu’n kalaking fashion show at ito rin ang most star-studded sa dami ng kanilang celebrity endorsers.
Naging tradisyon na every two years ang nasabing fashion spectacle ng Bench kaya mami-miss ito ng fans this year.
Ang unang Bench underwear & denim show ay Brief Encounter nu’ng 2000 sa World Trade Center (Pasay City) at Waterfront Hotel-Lahug (Cebu City).
Sinundan ito ng malalaking shows sa Araneta Coliseum na One Night Only (2002), Understatement (2004), Bench Fever (2006), Bench Blackout (2008) at Bench Uncut (2010).
Nagsimulang mag-MOA Arena ang Bench sa 25th anniversary show nito na Bench Universe, na dalawang magkasunod na gabi (Sept 13 & 14, 2012).

***
Bilang ikatlong dekada ng Bench next year, siguradong mas malaki at mas pabulosa ang ihahanda nilang show tampok ang parami nang parami nitong Benchsetters.
Masaya ang butihing big boss ng Bench na parte na ng pamilya nito ang pinakasikat na loveteams ngayon — KathNiel, JaDine, LizQuen at AlDub.
Na-meet ni Sir Ben ang magkaka-loveteam at natutuwa siya na mababait ang mga ito despite their popularity.
Ang sabi sa amin ni BC, pare-pareho niyang paborito ang apat na loveteams, although feeling namin ay mas may bonding sila ni Daniel Padilla na ma­ging ang inang si Karla Estrada ay kaibigan niya.

No comments:

Post a Comment