Thursday, July 14, 2016

Purihin Ang Panginoon - Entrance Hymn


Purihin ang panginoon, Umawit ng kagalakan
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang Lira;
Hipan ninyo ang trumpeta.

Sa ating pagkabagabag
Sa diyos tayo’y tumawag
Sa ating mga kaaway
Tayo ay kanyang Iniligtas

Purihin ang Panginoon, Umawit ng kagalakan
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang Lira;
Hipan ninyo ang trumpeta.

Ang pasaning mabigat
Sa ‘ting mga balikat
Pinagaan nang lubusan
Ng diyos na tagapagligtas

Kaya’t panginoo’y dinggin,
Ang landas nya’y tahakin.
Habambuhay ay purihin
Kagandahang loob n’ya sa atin

Purihin ang Panginoon, Umawit ng kagalakan
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang Lira;
Hipan ninyo ang trumpeta.

No comments:

Post a Comment