Friday, September 15, 2017

SONA: Hindi pagbibigay galang sa pambansang awit at pambansang watawat, ...





Paalala rin ng NHCP, may parusang naghihintay sa mga lalabag nito na babastusin, babaguhin o iibahin ang tono, gagawing katatawanan o hindi magbibigay galang tuwing tinutugtog ang Lupang Hinirang?



"Mayroong kahulugang parusa dito, maaring magmulta ng 5 hanggang 20,000 o makulong ng isang taon," sinabi ni Atienza



“Sinasabi nila, sa ibang bansa ginawa iyong pagkakamali. Pero malaki ang epekto nito sa lahat ng mga Pilipino. Hindi lang iyong mga nasa ibang bansa, pati iyong mga nandito sa bansa,” ani Atienza.



Ayon naman kay Eleazardo Kasilag, pangulo ng Federation of Associations of Private Schools Administrators, panahon na para tumanggap ang publiko ng ibang paraan ng pag-awit ng Lupang Hinirang.



“Originally, it was a march, yes, because of the war, but in the 20th century, I found that passable. After all, even the Filipino flag is no longer the original one. The word Pilipino is now Filipino. The singer stuck to the lyrics anyway. So many cultural traits have lost their germane applications which should have been guarded and we do not complain about them,” dagdag pa niya.



Para naman kay Atienza, dapat galangin ang pambansang awit at panatilihin sa orihinal na bersiyon nito sapagkat ito ay inaprubahan ng ating mga bayani, at ang “mga kumakanta ng mali ay walang galang sa ating mga bayani.”



Sinang-ayunan ito ni Sunico na nagsabing hindi puwedeng gawing rason ang pagkamalikhain ng mang-aawit para baguhin ang interpretasyon ng pambansang awit.



“The National Anthem is, by itself, a sacred thing that we cannot tamper with,” aniya. “If they want to be creative or they want to show-off their high voice, they want to show that they can sing with a lot of impressive technique, then they do it for other pieces. But as far as the National Anthem is concerned, there is a straightforward way of rendering it.”



Kung may panuntunan sa tamang pagkanta ng National Anthem ng Pilipinas, gayon din sa pagtaas ng ating watawat.



Sa ilalim kasi ng Flag and Heraldic Code of the Philippines, mariin na ipinagbawal na gupitin, tapakan o sirain ang ating watawat, bawal rin ito gamiting pantakip at hindi ito idikit sa mga sasakyan. Bawal ilagay sa ilalim ng larawan o painting o ibaba sa anumang platform. Hindi rin itong gawing costume, at kailangang palitan kung punit-punit na.



Inaatasan ang lahat ng tanggapan, pribado man o pampamahalaan, na magpakita ang pambanasang watawat mula Mayo 28 o ang National Flag Day hanggang Hunyo 12 o ang Araw ng kalayaan.



Isang araw lang kada taon ginugunita ang ating kasarinlan pero habang-buhay at araw-araw ang pagiging Pilipino.



Isang paraan kung paano tatangkilikin ang “Lupang Hinirang” ay sa pamamagitan ng pagbabalik nang araw-araw na flag ceremony sa mga hotels, opisina, shopping malls at paaralan. Sa kasalukuyan, tuwing Lunes na lang ginagawa ang flag ceremony at saka uulitin ng Biyernes, kung kailan ibababa ang watawat.



Kung araw-araw na kakantahin sa umaga ang “Lupang Hinirang”, tiyak na makakabisado ito ng mga mag-aaral. Napapanahon na para ibalik ang da­ting nakaugalian nang pag-awit sa “Lupang Hinirang” para naman hindi mawala ang pagmamahal sa bansa. Malaki ang naidudulot nang sama-samang pagkanta sa Pambansang Awit. Naisasapuso at nadarama ang labis na pagkamakabayan.



Ang "Lupang Hinirang" at ang ating watawat, mga simbolo ng ating kalayaan dapat buong buhay nating pinapahalagahan.

No comments:

Post a Comment