Friday, July 20, 2018

RMN News: DOTr, target i-award ang kontrata para sa pagpapatayo ng MRT-LRT common station

Nakatakdang i-award ng Department of Transportation (DOTr) sa susunod na buwan ang kontrata para sa pagpapatayo ng MRT-LRT common station project.

Ang MRT-LRT common station ay itatayo sa pagitan ng dalawang mall sa North Avenue, Quezon City kung saan kokonektahin nito ang apat na linya ng tren, ang LRT line 1, MRT line 3, ang MRT line 7 na kasakulukuyang under construction, maging ang Metro Manila subway.




Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, agad masisimulan ang konstruksyon ng common station pagkatapos mai-award ang kontrata.

Aniya, mayroon silang dalawang eligible contractors at pinag-uusapan na ang kanilang kwalipikasyon.

Bubuksan ang kanilang bid sa katapusan ng Hulyo.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa taong 2021.

No comments:

Post a Comment