Monday, May 3, 2021

Tulak umano ng droga patay sa buy bust sa Bulacan

Lyza Aquino, ABS-CBN News


Dead on the spot sa gilid ng kalsada ang isang lalaki matapos umanong mauwi sa engkwentro ang anti-drug operation ng pulisya sa Barangay Santo Cristo, bayan ng Pulilan, Bulacan.


Batay sa impormasyon mula sa PNP Regional Office 3, kilala sa alyas JR ang napatay na suspek, habang nakatakas naman sa gitna ng engkwentro ang kasamahan niyang lalaki sakay ng isang motorsiklo. 


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tumakas na lalaki.


Nagkasa ng joint operation ang Bulacan Provincial Police Office at Pulilan Municipal Police Station laban sa suspek noong Sabado.


Nakikipagtransaksyon ang police poseur-buyer para sa P1,000 halaga ng ilega na droga nang mangyari ang engkwentro.


Nakumpiska sa pinangyarihan ng engkwentro ang 29 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400 at mga basyo mula sa 9mm na baril.


https://news.abs-cbn.com/news/05/03/21/tulak-umano-ng-droga-patay-sa-buy-bust-sa-bulacan

No comments:

Post a Comment