Thursday, April 29, 2021

Higit P8-M halaga ng hinihinalang dried marijuana nasabat sa Bulacan; 5 tiklo

Tinatayang nasa P8.16 milyong halaga ng hinihinalang dried marijuana ang nakuha ng PDEA at pulisya sa isang buy-bust operation sa lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Miyerkoles.


Limang suspek ang inaresto, at ayon sa PDEA-Region 3 sila umano ang major supplier ng marijuana sa Bulacan at ilang bayan sa Pampanga. 


Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang 68 kilo ng dried marijuana leaf.


Inihahanda na ang isasampang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa 5 nahuling suspek. — Ulat ni Gracie Rutao


https://news.abs-cbn.com/news/04/29/21/higit-p8-m-halaga-ng-hinihinalang-dried-marijuana-nasabat-sa-bulacan-5-tiklo

No comments:

Post a Comment